9 out of 10 na grado ni DOH Sec. Francisco Duque III, ikinadismaya ng grupo ng mga Nurses

Nadismaya ang grupong Filipino Nurses United (FNU) sa lumabas na 9 out of 10 na grado ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III sa pagtugon ng ahensiya kontra COVID-19.

Ayon kay FNU Sec. General Jocelyn Andamo, hanggang ngayon ay hindi pa natutugunan ng DOH ang mga problema at hinaing ng mga Nurses.

Habang lalo pa silang nadismaya nang madiskubreng unang nabakunahan ang mga sundalo at Presidential Security Group (PCG) sa halip na mga Health workers na siyang ipinangako ng gobyerno na unahin.


Paliwanag pa ni Andamo, kung sila ang tatanungin bagsak hanggang 3 out of 10 ang ibibigay nilang grado sa COVID response ng DOH.

Matatandaang ngayong araw nang lumabas ang grado ni Duque kung saan marami ang nadismaya sa naging resulta.

Facebook Comments