9 pang Pinoy na nasa death row sa Saudi Arabia, ginagawan na rin ng paraan ng Philippine Embassy para maisalba sa bitay

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Riyadh na may siyam pang mga Pinoy ang nasa death row sa Saudi Arabia.

Ayon sa Embahada, ginagawan na nila ito ng paraan para maisalba sa parusang bitay ang naturang mga Pinoy.

Katuwang anila ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga hakbang para mailigtas sa parusang bitay ang siyam na Overseas Filipino Workers (OFWs).


Una nang kinumpirma ng DFA ang pagbitay sa isang Pinoy sa Saudi Arabia na sinasabing nakapatay ng Saudi national.

Sinasabing away sa pera ang naging ugat ng pamamaslang ng Pinoy sa Saudi national.

Facebook Comments