9- patay, mahigit 100 sugatan sa magnitude 6.5 na lindol sa China – rescue operation, nagpapatuloy

World – Umabot na sa siyam ang patay habang mahigit sa isandaan at anim napu (160) ang sugatan sa 6.5 magnitude na lindol sa Sichuan province sa China.

Ayon sa Sichuan government – itinaas na ng China earthquake administration sa pinakamataas ang kanilang emergency response level matapos ang lindol.

Patuloy din ang rescue operations kasunod ng landslide sa lugar kung saan pinangangambahang isandaang turista ang natabunan.


Kilalang tourist spot ang epicenter ng lindol na Jiuzhaigou County.

Inaalam pa ng Department of Foreign Affairs kung may pinoy na nadamay sa insidente.

Facebook Comments