9 Rebelde, Sumuko sa Pamahalaan

Cauayan City, Isabela- Tuluyan nang tinalikuran ng siyam (9) na kasapi ng New People’s Army (NPA) ang kanilang pinasok na kilusan matapos ang kanilang ginawang pagsuko sa pamahalaan kasama ang kanilang mga armas.

Ang siyam (9) na sumuko ay mga kasapi ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG)-Ampis mula sa Barangay Alangtin, Tubo, Abra.

Iprinisenta mismo ng Commanding Officer ng 71st IB na si Lt. Col. Sonny Gonzales ang mga nagbalik-loob sa isinagawang pulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa Barangay Alangtin.


Inihayag ng isang sumuko na si alyas “Bakday” na ang kanilang ginawang pagsuko ay sana’y magsilbing inspirasyon sa mga natitirang rebelde na mamulat sa katotohanan at bumalik sa kanilang pamilya’t komunidad.

Kasalukuyan nang sumasailalim sa ebalwasyon ang siyam na dating rebelde para sa kanilang matatanggap na tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Facebook Comments