9 sa 10 pasyente sa ICU, hindi bakunado kontra COVID-19

Mayorya ng mga pasyenteng nasa intensive care unit (ICU) ng mga ospital sa buong bansa ang hindi bakunado laban sa COVID-19.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Ted Herbosa, siyam sa sampung pasyente sa ICU ang hindi bakunado habang ang may bakuna ay nakakaranas lamang ng mild COVID-19 cases at nananatili sa isolation facilities.

Kaugnay nito, iginiit ni Herbosa ang target ng Metro Manila Council (MMC) na mabakunahan ang 50% ng populasyon sa NCR, na kasalukuyang nakasailalim sa dalawang linggong Enhanced Community Quarantine.


Hinimok din niya ang mga senior citizens at mga may comorbidities na magbakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments