9 sa 10 Pinoy, diskumpiyado sa COVID-19 vaccines, batay sa UST-COVAX survey

Lumabas sa online survey ng University of Santo Tomas-COVAX Research na siyam sa sampung Pinoy ang may pag-aalinlangan sa COVID-19 vaccines.

Batay sa isinagawang survey noong January 16-30, 2021, 98% ng 15,600 respondents ang nangangamba sa authenticity ng COVID-19 vaccines, kung saan 80.2% ang nagsabing mabilis lang na ginawa ang bakuna.

83.5% din ang nagsabing hindi dumaan sa maayos na test ang bakuna at 84.5% ang naniniwalang hindi ito epektibo sa ibang variants.


Base sa survey, mataas din ang percentage ng mga nag-aalala sa epekto, efficacy, safety at mataas na presyo ng bakuna.

Bukod dito, lumalabas din na 77.2% ng mga respondent ang nagsabing hindi sila mauuna o magpapabakuna lang kapag marami nang nabakunahan.

51% din ng mga ito ang mas gusto na COVID-19 vaccine mula sa mga bansa napatunayang ligtas at epektibo ang ibakuna sa kanila.

Facebook Comments