9 sa bawat 10 Pilipino, mas pipiliin pa rin ang COVID-19 vaccines na gawa ng Western countries

Siyam sa bawat 10 mga Pilipino ang mas pipiliin pa rin ang COVID-19 vaccines na gawa ng Western countries.

Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Asean Macroeconomic and Research Office kung saan 94 percent ng mga Pilipino ang nagsabing mas gusto nila ang mga bakunang mula sa Estados Unidos at European countries.

Kabilang dito ang bakuna ng Pfizer-BioNtech, AstraZeneca, Johnson & Johnson, Moderna at Novavax.


Kasunod niyan, 46.3% ng mga Pilipino ang nagsabing maghihintay muna sila ng ilang buwan bago magpaturok ng bakuna.

Habang 35.8% ang nais na makita muna ang pagiging epektibo ng bakuna sa mga una nang naturukan ng COVID-19 vaccines.

Samantala, “F” o bagsak na grado naman ang ibinigay ng grupo ng mga medical workers sa naging tugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Coalition for People’s Right to Health, taliwas ito sa sinasabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “excellent” ang ginagawa ng gobyerno sa paglaban sa krisis.

Paliwanag nila, naging palpak ang gobyerno sa pagpapalakas ng contact tracing at mass testing na isa sa dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments