9 sa bawat 10 Pilipino, pabor sa boluntaryong pagsusuot ng facemask – SWS

Pinaburan ng mayorya ng mga Pilipino ang kautusang nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng facemask.

Sa fourth quarter 2022 survey ng Social Weather Stations, lumalabas na 91% ng mga Pinoy ang sang-ayon sa Executive Order No. 7 na inilabas ni Pangulong Bongbong Marcos noong October 28, 2022.

Pero 54% dito ang nagsabing lagi pa rin silang magsusuot ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay.


91% din mula sa kabuuang Filipino household heads ang sang-ayon sa boluntaryong pagsusuot ng face mask ng mga bata sa face-to-face classes.

Habang 81% o apat sa bawat limang households ang nagsabing lagi pa rin nilang pasusuotin ng face mask ang kanilang mga anak kapag papasok sa eskwelahan.

Isinagawa ang survey noong December 10 hanggang 14, 2022 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 Filipino adult repondents.

Facebook Comments