9 sa bawat 10 residente sa Metro Manila, nagsusuot ng face masks – OCTA Survey

Mayorya ng mga residente sa Metro Manila ang nagsusuot ng face masks para protektahan ang kanilang sarili mula sa COVID-19 pandemic.

Batay sa resulta ng OCTA Research Survey, 93% ng mga respondents ang nagsabing sumusunod sa health protocols lalo na ang pagsuot ng face mask.

Lumalabas sa survey na 83% ang nagsabing sinusuot nila ang kanilang face masks sa labas ng kanilang mga bahay, 16% ang nagsabing suot nila palagi ang mask sa lahat ng oras.


Nasa 83% ang nagsusuot ng face shields, habang 89% ang regular na naghuhugas ng kamay, at 73% ang sumusunod sa social distancing.

Nasa 73% ng respondents ang nagsabing nagtatakip sila ng bibig at ilong kapag babahing o uubo.

Ang iba pang ginagawa nila para maprotektahan nila ang kanilang sarili mula sa virus ay ang panantili sa loob ng bahay, pagdarasal, pag-inom ng bitamina, pag-iwas sa matataong lugar, pag-iwas sa mga taong may sakit, pag-iwas muna sa pagbiyahe, at pagkonsulta sa medical professional kapag masama ang kanilang pakiramdam.

Ang non-commissioned survey ay isinagawa mula December 9 hanggang 13, 2020 sa 600 respondents.

Facebook Comments