9 sa kada 10 tao mula sa mahihirap na bansa, malabong maturukan ng COVID-19 vaccine – People’s Vaccine Alliance

Tinatayang siyam sa kada sampung katao mula sa 70 mahihirap na bansa sa buong mundo, ang posibleng hindi maturukan ng bakuna kontra COVID-19 sa susunod na taon.

Ayon sa People’s Vaccine Alliance, ang mayayamang bansa na binubuo ng 14% ng populasyon sa mundo ay nakuha na ang 53% ng kanilang kinakailangang gamot laban sa nasabing sakit.

Sa katunayan, bumili na aniya ang Canada ng maraming bakuna na sasapat para mabakunahan ng limang beses ang kanilang mga residente.


Iginiit naman ni Oxfam’s Health Policy Manager Anna Marriott na dapat mabigyan ng bakuna ang lahat ng tao anuman ang bansang kanilang pinanggalinggan.

Facebook Comments