9 yrs old criminal liability, inalmahan ng mga magulang sa Pasig

Pasig City – Tutol ang ilang magulang sa Pasig City sa panukalang batas na maari ng ipakulong ang mga bata na may edad 9 na taong gulang pataas.

Sa ngayon kasi lusot na ito sa Kamara at kasalukuyang tinatalakay sa Senado.

Ayon sa mga magulang na naghahatid ng kanilang anak, grade 3 ang karamihan sa 9 na taong gulang.


Pinapaliguan pa nila ito at sinusuklayan kaya at mahirap isipin kapag may criminal responsibility na ang ganitong kamurang edad.

Paliwanag ng mga magulang, madali pang malito ang mga 9 na taong gulang kung ano ba talaga ang tama at mali kaya at tutol sila sa panukalang batas.

Kung maalala gusto ibaba ang edad na may criminal responsibility dahil kalimitan ginagamit ng mga sindikato ang mga bata dahil protektado sila ng batas.

Facebook Comments