90-day suspension sa Pasay City judge at court employee na tumanggap umano ng suhol, pinahaba pa ng SC

Pinalawig ng Korte Suprema ang suspensiyon sa isang judge at isang empleyado ng Pasay City Regional Trial Court.

Kaugnay ito sa reklamong kinakaharap nina Judge Albert Cansino at acting branch Clerk of Court na si Mariejoy Lagman.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, in-adopt ng SC ang rekomendasyon ng Judicial Integrity Board na i-extend ang preventive suspension habang hindi pa tapos ang imbestigasyon.


Inaakusahan ang dalawa na tumanggap umano sila ng anim na milyong pisong suhol kapalit ng pagpabor sa isang hawak na civil case.

Nauna nang inaresto si Lagman ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang entrapment operation.

Pinakasuhan na rin ng Department of Justice (DOJ) ng direct bribery ang nasabing court employee.

Facebook Comments