90-days preventive suspension, ipinataw ng DepEd sa guro na umano’y nanampal ng isang grade 5 student na kalaunan ay namatay sa Antipolo City

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na pinatawan ng 90-days preventive suspension ang guro na umano’y nanampal ng isang grade 5 student na kalaunan ay namatay sa Antipolo City.

Ayon sa DepEd, nilinaw ng kagawaran na hindi parusa ang ipinataw kay Marisol Sison, guro sa Penafrancia Elementary School sa Antipolo City na nanampal kay Francis Jay Gumikib.

Nabatid na global brain edema o pamamanas ng utak ang itinuturing sanhi sa pagkasawi ng bata base sa death certificate.


Pero aalamin ng forensic group kung may iba pa bang sakit ang bata at kung matagal na itong may iniinda.

Patuloy pa rin ang ginagawang malalimang imbestigasyon ng DepEd hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments