90-K HALAGA NG PEKENG SIGARILYO, NASAMSAM

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mag-asawang negosyante ang 35 reams ng pekeng sigarilyo matapos ang ikinasang search operation sa Bambang Nueva Vizcaya nitong Huwebes, Setyembre 1,2022.

Kinilala ang mag-asawang suspek na sina Jan Michael, 32-taong gulang at Jayleen Villarta, 31-taong gulang na parehong residente ng Brgy. Caloocan, Bambang Nueva Vizcaya.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Nueva Vizcaya, nakatanggap sila ng mga report ukol sa mga ibinebentang pekeng sigarilyo at agad na nagsagawa ng test-buy sa naturang produkto.

Kinumpirma naman ng distributor ng original na sigarilyo na peke ang ang ibinebentang produkto mula sa mag-asawa.

Ayon din sa representative ng Philippine affiliate of Philip Morris International (PFMTC), palatandaan na peke ang mga sigarilyo dahil pare-pareho ang mga bar codes nito.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang apat na ream ng pekeng Fortune International Menthol cigarettes, tatlong ream ng of Marlboro, at 78 reams ng Fortune International Blue na nagkakahalaga ng 92,392 libong piso.

Base sa mga pulis, may pinagkukunan lang din umano ang mag-asawa ang mga ibinebentang pekeng sigarilyo.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Rights in Relation to RPC Art. 288 & 289.

Facebook Comments