Magkasanib pwersa ang mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-PDEG), Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera, Tinglayan Municipal Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit Kalinga PPO, 2nd KPMFC, RMFB15 1503rd/1505th, RHPU, RIU 14, PROCOR, at RDEU PROCOR na nagsagawa ng operasyon sa lugar sa ilalim ng ‘COPLAN STORM BREAKER’.
Una rito, umabot sa 280,000 ang kabuuang bilang ng tanim na marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P56-M ang nadiskubre ng mga alagad ng batas mula sa apat na plantasyon na may sukat na 28,000 square meters.
Narekober naman ang humigit kumulang 150-kilos ng dried marijuana leaves na nagkakahalagang P18-M.
Samantala, humigit kumulang walumpung libong (80,000) piraso ng fully grown marijuana plants na tinatayang nasa labing anim na milyong piso (Php16, 000,000.00) ang sinunog mula sa kabuuang sukat ng lupa na 8,000 square meters sa dalawang (2) mga plantasyon ng marijuana sa Butbut Proper, Tinglayan.
Kaugnay nito, wala namang naiulat na naaresto ng isagawa ang naturang operasyon.
Tiniyak naman ng PNP na magpapatuloy ang kanilang operasyon kontra iligal na droga sa harap pa rin ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.