90% na mga kasong pagpatay sa mga mamamahayag sa buong mundo, hindi pa nareresolba – UNESCO

Nasa halos 90% ng kasong pagpatay sa mga mamamahayag sa buong mundo ang hindi pa nareresolba.

Ito ay batay sa inilabas na ulat ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) kasabay ng pagdiriwang ng International Day to End Impunity for Crimes against Journalists.

Ayon kay UNESCO Director General Audrey Azoulay, “shockingly high” ang mataas pa rin na bilang ng mga journalist killings sa buong mundo.


Kaya naman, kinakalampag ni Azoulay ang mga gobyerno na puspusan ang ginagawang pagkilos para matiyak na maimbestigahan ang mga pagpasalang sa mga mamamahayag at matukoy at mapanagot agad ang mga nasa likod ng mga krimen.

Binigyang-diin ni Azoulay na hindi mapo-protektahan ang Freedom of Expression kung nananatiling mataas ang bilang ng mga hindi pa nareresolbang kaso ng pagpatay sa mga journalist.

Facebook Comments