Patuloy na isinusulong ng Ecological Solid Waste Management Office ng Bayambang ang tama at mainam na solid waste management sa bayan bilang bahagi ng paghahanda sa target na 90 porsiyentong waste diversion pagsapit ng taong 2028.
Bilang halimbawa, ibinahagi ng tanggapan ang isang simpleng paraan ng composting gamit ang kitchen at food waste na matagumpay na isinasagawa sa isang tahanan.
Sa pamamaraang ito, iniipon ang humigit-kumulang 15 kilo ng nabubulok na basura sa isang lumang plastic drum hanggang sa magsimulang mabulok, bago ilipat sa isang maliit na espasyo ng lupa at tabunan ng manipis na lupa upang maiwasan ang mabahong amoy.
Inuulit ang proseso bilang bahagi ng tuloy-tuloy at sustainable na pamamahala ng basura.
Layunin ng inisyatibong ito na mahikayat ang mga residente, lalo na sa labing-isang urban barangay, na mag-divert ng nabubulok na basura kahit may limitadong espasyo, bilang suporta sa target ng bayan na 90% waste diversion pagsapit ng 2028, alinsunod sa itinatadhana ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










