90% ng bakuna, ibuhos sa Metro Manila – OCTA Research

Hinikayat ng OCTA Research Group ang gobyerno na ibuhos sa Metro Manila ang bulto ng supply ng COVID-19 vaccine na dumadating sa bansa.

Ayon kay OCTA Research Fellow Fr. Nicanor Austriaco, dapat i-deploy ang 90% ng vaccine supply sa Metro Manila para mapababa ang kaso ng COVID-19 at maabot ang herd immunity bago ang Pasko.

Habang ang natitirang 10% ng mga bakuna ay ilalaan aniya sa health workers at senior citizens sa buong bansa.


Giit ni Austriaco, mapabababa ng kalahati ang COVID-19 active cases sa bansa kung magkakaroong maraming supply ng bakuna sa Metro Manila.

Sa datos ng National Task Force Against COVID-19, 65% ng vaccine supply sa bansa ay nasa Metro Manila habang ang 35% ay naipamahagi na sa nalalabing bahagi ng bansa.

Facebook Comments