Boracay – Nagising sa masarap na pagkatulog ang mga residente at turista sa isla ng Boracay mula sa tunog ng serena ng bombero dahil sa nangyaring sunog kaninang mga alas-4 ng madaling araw sa D’ Talipapa, Boracay Station 2.
Halos 90% ng mga establisyemento sa lugar ang totally burned na kinabibilangan ng souvenir shops, wet market, fast-food chain, grocery store at iba pang negosyo doon.
Nadamay din sa sunog ag mga katabi nitong boarding house dahilan para magsilikas ang mga residente at umuukupa sa lugar sa mismong beach front ng isla dala ang kanilang mga gamit bago dinala sa evacuation center.
Tumagal naman ng halos limang oras bago maapula ang apoy dahil na rin sa mahirap makapasok sa loob ang mga fire truck.
Kinakailangan namang magdagdag ng fire truck mula pa mismo sa mainland Malay at sinakay sa barge para sa mabilis na pag-apula ng apoy.
Kaugnay nito hindi pa matukoy ng BFP Boracay kung magkano ang danyos na iniwan ng napakalaking sunog sa isla pero sinasabing ang sunog ay galing sa isang restaurant sa loob.
Samantala, wala namang naiulat na namatay o grabeng nasaktan sa nasabing sunog.
Ang D’Talipapa ay isang lugar sa Boracay na dinadayo ng mga turista dahil dito matatagpuan ang mga murang souvenir shops at ibat-ibang food trip na sa isla lang makikita.