Siyamnapung porsiyento (90%) ng mga pamilyang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ay mga lehitimong benepisyaryo.
Ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica, 5% hanggang 10% lamang sa mga benepisyaryo ang kwestiyonable.
May pagkakataon na ang recipient ay nakalista dahil sila ay kamag-anak ng mga opisyal ng barangay; may iba na nakuha ang pera dahil contact number nila ang nakarehistro at hindi sa benepisyaryo; habang may iba naman na lehitimong benepisyaryo pero hindi matawagan sa ibinigay nilang numero.
Layon aniya ng kanilang imbestigasyon na matukoy kung sino ang responsable sa kahina-hinalang listahan ng mga benepisyaryo at kung sino ang mga sadyang nagbigay ng ayuda sa mga hindi naman kwalipikado.