90% ng mga senior citizen, gustong magpabakuna; matatandang fully-vaccinated, dapat ding ituring na APOR

Hinimok ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang mga lokal na pamahalaan na gawin ang lahat ng paraan para mabakunahan ang mga nakakatanda gaya ng pagbabahay-bahay.

Ayon kay NCSC Chairman Atty. Franklin Quijano, 90% ng mga senior citizens ang handang magpabakuna kontra COVID-19 pero walang kakayahang makalabas.

“Marami pong senior citizens, actually ngayon ang nagrereklamo dahil gusto na magpabakuna pero walang bakuna,” ani Quijano sa interview ng RMN Manila.


“We hope that the LGU will be flexible sa mga pamamaraan, may mga house-to-house.”

Samantala, hiniling naman ni Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes sa Inter-Agency Task Force (IATF) na ikonsiderang Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang mga senior citizen na fully-vaccinated.

“Kasi nga, unang-una, may naghahanapbuhay, pangalawa, may bibilhin na essential needs. Yun lang naman yung pinapakiusap natin, hindi naman lahat ng mga senior citizens at dapat dala yung vaccination cards kapag lalabas sila. Hindi naman lalabas yang mga yan kung hindi naman mahalaga yung pupuntahan,” paliwanag ni Ordanes sa interview ng RMN Manila.

Facebook Comments