90% ng populasyon sa mundo, may immunity na sa SARS-CoV-2

Inihayag ng World Health Organization (WHO) na tinatayang nasa 90% na ng kabuuang populasyon ng mundo ang mayroon nang immunity sa SARS-CoV-2.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, bunga ito ng tuluy-tuloy na malawakang bakunahan sa iba’t-ibang panig ng daigdig laban sa nasabing sakit.

Ngunit aniya hindi pa masasabing tapos na ang emergency phase ng pandemic bagama’t malapit na aniyang itong makamit.


Ito ang dahilan kung bakit palagian ang papaalala sa publiko na dapat na magpatuloy ang testing, sequencing, at bakunahan laban sa nasbaing virus bilang paghahanda sa posibleng mga bagong variant of concern na maglipana na maaaring maging sanhi sa muling pataas ng bilang nga mga nasasawi.

Batay kasi kanilang datos, sa ngayon ay mayroon pa rin nasa mahigit 500 highly transmissible Omicron sublineages na mas madaling makahawa kahit na hindi man gaanong malala ang epekto nito kumpara sa iba pang naunang variant ng nasabing sakit.

Facebook Comments