Higit 90-porsyento ng transaction sa mga toll road sa bansa ay isinagawa sa pamamagitan ng Radio-Frequency Identification (RFID) stickers.
Ito ay kasabay ng transition patungong cashless payment system.
Sa datos ng Toll Regulatory Board (TRB), sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na higit 3.7 million RFID stickers ang naikabit na mula nitong December 8, 2020.
Mataas ito kumpara sa 1.4 million mula nang mag-umpisa ang programa.
Bumaba rin ang bilang ng mga motoristang pumipila sa 28,000 mula sa higit 34,000 noong December 1.
Ayon kay TRB Executive Director Abraham Sales, halos mayorya ng mga motoristang dumaraan sa tollways ay sumusunod na sa paggamit ng RFID.
Ang Autosweep tags ay iniisyu para sa Skyway, South Luzon Expressway (SLEX), STAR Tollway, Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX), NAIA Expressway, at Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).
Ang Easytrip system naman ay sakop ang North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), C5 Southlink, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX).