Dumating na sa Pangasinan ang nasa 90% ballot boxes na gagamitin sa 46 bayan at siyudad para sa May 9, 2022 National and Local Elections.
Ayon kay Atty. Ericson Oganiza, Provincial Election Supervisor, inaasahan na may darating pang ballot boxes na gagamitin ng dalawa o tatlo pang bayan.
Kasabay nito ang mga VCMS (vote counting machine) at official ballots na gagamitin sa lalawigan.
Ang mga ballot boxes at iba pang election paraphernalia ay inilagay sa sa isang hub. Nagpapatuloy naman ang voter’s campaign education ng COMELEC para sa mga first time voters.
Nasa 2, 096, 936 milyong botante sa lalawigan ang nakatakdang bumoto sa Mayo 9. | ifmnews
Facebook Comments