Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 90 pasyente ang inoobserbahan ngayon sa Southern Isabela Medical Center at iba pang mga hospital isolation sa Santiago City.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Genaro Manalo, City Health Officer, nasa 26 na pasyente ang inoobserbahan sa government hospital sa lungsod kabilang na riyan ang mga infected healthcare workers.
Pagtataya ni Manalo na posibleng nagmumula ang hawaan sa mga healthcare workers sa ospital at nakakapanghawa ng hindi bababa sa 6 katao na nauuwi sa pagiging positibo sa COVID-19.
Magsasagawa naman ng ‘Bakuna Night’ ang lokal na pamahalaan para sa mga A4 priority group na hindi nakakapagpabakuna sa mga takdang araw.
Pangunahin na ituturok ang Moderna vaccine na tinatayang nasa walong libo ang alokasyon habang 30,000 naman sa Sputnik.
Samantala, pinababantayan na lang sa mga tauhan ng BHERT ang mga OFW na nagbalik probinsya upang matiyak ang kanilang sitwasyon sa usapin ng COVID-19.
Matatandaan na nagpalabas ng kautusan si City Mayor Joseph Tan na nagbabawal na ilabas ang pagsusuot ng scrub suit na nakikitang dahilan umano ng pagkapit ng virus at nauuwi sa hawaan.