90 percent ng mga Customs section head, sisibakin dahil sa isyu ng korapsyon

Manila, Philippines – Malaking bilang ng mga section head ng Bureau of Customs ang posibleng masibak sa pwesto. Ito ang inihayag ni Commissioner Isidro Lapeña.

Bahagi raw ito ng ipinatutupad na pagbabago at paglilinis sa BOC na nasa gitna ngayon ng corruption issues.

Ayon kay Lapeña, bilang mga section head, responsibilidad nila ang kanilang mga tauhan kaya’t sila ang dapat managot sa ano mang gusot sa kanilang nasasakupan.


Nakasalang aniya sa imbestigasyon ang mga port area assessment unit head matapos ang kontrobersyal na “tara” system sa ahensya.

Pero, tiniyak ng opisyal na dadaan sa proseso ang lahat ng sisibaking tauhan.

Inaasahang ilalabas ang mga pangalan ng sisibakin sa Lunes, Oktubre a-dos.

Facebook Comments