90 proyekto para sa rehabilitasyon ng Marawi City, inaasahang matatapos bago ang termino ni Pangulong Duterte

Inaasahang matatapos na ang 90 proyekto ng gobyerno para sa rehabilitasyon ng Marawi City bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila ito ng mga batikos na nagsasabing mabagal ang naging usad nito.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi (TFBM) chairperson Secretary Eduardo del Rosario, sa katunayan mula sa 90 proyekto ay 30 ang inaasahang matatapos sa darating ng Disyembre.


Habang ang natitirang 60 proyekto ay maaaring makumpleto sa una o ikalawang bahagi ng 2022.

Kabilang sa proyekto ay ang konstruksiyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 200 classrooms na inaasahang matatapos sa June 30, 2022.

Pagdating naman sa formal shelters ay sinabi ni Del Rosario na mula sa 2,800 na target ay nasa 80 hanggang 90% ang makukumpleto sa Disyembre habang ang natitira ay matatapos naman sa unang quarter ng 2022.

Facebook Comments