Inihayag ng Department of Agrarian Reform (DAR) na 90 rebel returnees ang makatatanggap ng 45 ektaryang lupang agrikultural sa CALABARZON areas.
Ito’y pagkatapos pirmahan ng DAR at ng Philippine National Police (PNP) ang Memorandum of Understanding para sa Sikap-Buhay Project (SIK-HAY).
Paliwanag ng DAR na ang SIK-HAY Project ay magkatuwang na programa ng dalawang ahensiya kung saan ang mga rebel returnees ay pagkakalooban ng lupang sakahan at mga kagamitan.
Dagdag pa ng DAR na ang mga lupaing ito ay mula sa tatlong project sites ng mga lalawigan ng Laguna, Quezon at Rizal.
Giit ni DAR Secretary John Castriciones, ang proyektong ito ay isa sa pinakamagandang estratehiya upang makamtan ang kapayapaan sa bansa.
Facebook Comments