90 sa 290 na rekomendasyon ng UN Human Rights Commission, binasura ng Pilipinas

Kinumpirma ni Justice Sec Jesus Crispin “Boying” Remulla na sa 290 na rekomendasyon sa Pilipinas ng United Nation – Human Rights Council (UN HRC), 200 lamang ang tinanggap ng Pilipinas.

Ayon kay Remulla, kabilang sa mga binasura ng Pilipinas ang rekomendasyon ng UN HRC sa abortion, divorce at same-sex marriage.

Ito ay dahil sa mahirap aniya itong i-reconcile sa mga umiiral na batas ng Pilipinas


Idinagdag naman ni Justice Usec. Raul Vasquez na hindi basta-basta ang pagtanggap sa naturang mga rekomendasyon dahil mangangailangan ito ng input mula sa hudikatura.

Makakaapekto rin aniya ito sa legislatura gayundin sa national identity, paniniwala sa relihiyon, kultura at soberenya ng Pilipinas.

Kinumpirma naman ni Remulla na sa 117 na mga bansa na lumahok sa Universal Periodic Review na dinaluhan niya sa Geneva, Switzerland, 15 lamang sa mga ito ang may negatibong pagtingin sa human rights record ng Pilipinas.

Facebook Comments