90 Student Leaders at Advisers sa Isabela, Bahagi na ngayon ng SSCSP-Isabela Chapter

28

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na inilunsad ng Tactical Operations Group 2 “Valley Air Warriors” ng Philippine Airforce at PAFCMOG ang Supreme Student Council of the Philippines (SSCSP)- Isabela Chapter sa Cauayan City, Isabela nitong Sabado, Pebrero 21.

Aabot sa 90 student leaders at advisers mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Isabela gaya ng Isabela State University Campuses, Philippine Normal University-Northern Luzon, Our Lady of the Pillar at St. Ferdinand College ang kabahagi ng paglulunsad ng programa.


Bukod sa mga ito, dumalo rin ang ilang miyembro ng G7, 5ID kung saan naging sentro ng pagtalakay ni Usec. Joel Sy-Egco, EO70 ICOC-Stratcom Executive Director, NTF-ELCAC ang tungkol sa ‘Role of the Youth Sector’ bilang pagsuporta na mawakasan ang insurhensiya sa bansa.

Ang naturang samahan ay layong maging katuwang ng gobyerno na tutulong na kumuha ng suporta sa proyekto at inisyatibo ng Armed Forces of the Philippines at National Government para sa patuloy na pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya.

Facebook Comments