900 bilanggo sa pinakamalaking kulungan sa Congo – nakatakas

World – 11 ang patay habang 900 ang nakatakas matapos na atakihin ng mga armadong kalalakihan ang isa sa mga pinakamalaking detention facility sa Congo.

Ayon sa governor ng probinsya ng North Kivu – kabilang sa mga nasawi ay walong mga security ng kulungan matapos makipagbakbakan sa mga suspek.

Matapos ang pag-atake, tatlumpung preso na lamang ang natira sa loob ng kulungan.


Kasunod nito ay inilarga ng militar ang manhunt operation laban sa mga salarin at sa mga takas na bilanggo.

DZXL558

Facebook Comments