9,000 LSIs, makakauwi na sa kani-kanilang probinsya

Tinatayang nasa 9,000 Locally Stranded Individuals (LSIs) sa Metro Manila ang nakatakdang umuwi sa kani-kanilang probinsya simula bukas June 25 at 26.

Ayon kay Presidential Management Staff Assistant Secretary at Hatid Tulong Program Head Joseph Encabo, ang mga LSI ay mula sa iba’t ibang rehiyon sa Mindanao at Visayas, maging sa Hilagang Luzon.

Sinabi ni Encabo na sasailalim sa COVID-19 rapid test ang mga LSI bago sila makauwi.


Sinisilip na rin ng pamahalaan ang posibilidad na magpatupad ng cluster send-offs para matiyak ang proper management ng transportation assets.

Sa ilalim ng Hatid Tulong Program, aabot sa higit 120,000 indibiduwal na na-stranded sa Metro Manila ang natulungang makauwi sa kanilang mga lalawigan.

Facebook Comments