9,000 reklamo na may kinalaman sa 2022 elections, natanggap ng Kontra-Daya

Mahigit 9,000 reklamo na may kaugnayan sa pagdaraos ng halalan noong Mayo 9 ang natanggap ng elections watchdog na Kontra Daya.

Ayon kay Convenor Danilo Arao, pinakamarami sa mga sumbong ay machine errors gaya ng mga palyadong vote counting machines at SD cards na umabot sa 1,371.

May 137 din na verified vote buying incidents; 387 illegal campaigning; 94 red-tagging habang ang natitira ay mga insidente ng disinformation, harassment, intimidation, coercion, at iba pang porma ng pandaraya.


Kasabay nito, kinontra ni Arao ang pahayag ng Comelec na “generally peaceful” ang pagdaraos ng eleksyon.

Umaasa naman si Arao na iimbestigahan ng comelec ang mga sumbong na pandaraya nitong halalan.

Ipinanawagan din niya na palayasin na ang smartmatic dahil na rin sa danyos sa integridad ng eleksyon na idinulot ng mga aberya sa VCM.

Facebook Comments