Manila, Philippines – Napagtapos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa 900,000 senior high school at 50,000 college students.
Ito ay sa ilalim ng programang 4Ps o Pantawid Pamilya Program ng Pamahalaan.
Ayon sa hepe ng special concerns ng DSWD na si Undersecretary Camilo Gudmalin, ang nasabing datos ay ang kabuuang bilang ng mga natulungan ng ahensiya simula noong 2015 hanggang sa kasalukuyan.
Aniya, nasa 60,000 recipients naman ang kusang tumanggi sa tulong ng 4Ps matapos na maka-graduate ang kanilang mga anak sa high school at kolehiyo.
Dagdag pa ni Gudmalin, na bukod sa existing beneficiaries ng 4Ps ay target din ng DSWD na matulungan ang 4.4 million households sa bansa.
Nabatid na mayroong pondo ang DSWD na P88 bilyong piso pero ang 90 porsiyento dito ay nakalaan sa mga benepisyaryo habang ang natitirang porsiyento ay ilalaan naman para sa incremental operations.
Samantala, nilinaw ni Gudmalin na maaaring matanggalan ang isang benipisyaryo ng 4Ps sakaling hindi nakapag-enroll sa eskuwelahan ang isang estudyante at napatunayang may sapat na pangtustos sa pag-aaral.
Sa pamamagitan ng validator ay mamo-monitor ng DSWD ang bawat 800 households para matukoy kung nagagamit na maayos ang mga benepisyo mula sa 4Ps.