90TH BIRTHDAY | ‘Mickey Lights Up Metro Manila’, inilunsad ng MMDA at Walt Disney Philippines

Manila, Philippines – Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) katuwang ang Walt Disney Co. Philippines ang ‘Mickey Lights Up Metro Manila’.

Ito ay bahagi ng 90th birthday celebration ni kilalang fictional character na si Mickey Mouse.

Sa ilalim ng programa, lalagyan ng dekorasyon ang 90 piling traffic signal lights sa Kamaynilaan.


Ayon kay MMDA chairperson Danilo Lim – ang mga decorated traffic lights ay makikita sa Quezon City, Mandaluyong, Manila, Muntinlupa, Parañaque at San Juan.

Sinabi naman ni Veronica Cabalinan, country head ng Walt Disney – layunin ng proyekto na ipaalala sa mga Pilipino sa tuwang hatid ni Mickey sa nakalipas na siyam na dekada.

Bagaman at hindi makakatulong na maibsan ang masikip na trapiko sa Metro Manila, umaasa si MMDA Supervising Operations Officer Bong Nebrija na mahihikayat nito ang mga kabataan na sumunod sa batas trapiko.

Facebook Comments