91.5% ng COVID-19 cases sa bansa ay asymptomatic at mild, ayon kay Carlito Galvez Jr.

Napansin ng pamahalaan ang malaking bilang ng mga gumagaling sa COVID-19.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., nasa 91.5% ng total COVID-19 cases sa bansa ay asymptomatic o mayroon lamang mild symptoms.

Iprinisenta ni Galvez ang graph kung saan mayroong 55,236 active cases sa bansa kung saan nasa 50,000 ang mild o asymptomatic.


Una nang sinabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, kinatawan ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas na hindi dapat ipag-aalala ng mga Pilipino ang tumataas na COVID-19 cases sa bansa dahil isa ang Pilipinas sa may pinakababang fatalities sa Southeast Asia.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH), nasa 197,164 ang kaso ng COVID-19 sa bansa na may 61,730 ang active cases.

Nasa 132,396 ang gumaling at 3,038 ang namatay.

Facebook Comments