91.82% turnout, naitala sa August career service exam – CSC

Mataas ang turnout ng examinees sa katatapos na Career Service Examination-Pen and Paper Test o CSE-PPT sa nitong linggo, August 11.

Ayon kay Civil Service Commission (CSC) Commissioner Aileen Lizada, nasa 329,313 indibidwal ang kumuha ng Career Service Examination–Pen and Paper Test (CSE-PPT) Professional and Subprofessional levels sa 95 testing centers sa buong bansa.

Paliwanag pa ni Lizada na mula sa bilang na ito, 296,602 ang kumuha ng Eligibility exam para sa Professional level habang higit 32,711 naman sa Subprofessional.


Nasa 29,338 examinees naman ang naitalang absent noong araw ng pagsusulit.

Naging maayos at organisado sa pangkalahatan ang idinaos na Career Service Exam.

Kasama sa tinutukan ng CSC ang Dinagat Islands kung saan may higit 1,500 Examinees

Inaasahan naman ng Komisyon na mailalabas ang resulta ng pinakahuling Career Service Exam matapos ang dalawang buwan o sa Oct. 20.

Facebook Comments