91 Katao sa Isabela, Nagpositibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Siyamnapu’t isa (91) na indibidwal ang bagong nagpositibo sa COVID-19 na naitala sa Lalawigan ng Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Enero 31, 2021, mula sa 91 new COVID-19 cases, labing walo (18) ang naitala sa bayan ng Reina Mercedes; labing pito (17) sa bayan ng Naguilian; sampu (10) sa Tumauini; pito (7) sa Luna; tig-anim (6) sa Lungsod ng Cauayan, Santiago at sa bayan ng Gamu; lima (5) sa bayan ng San Pablo at Lungsod ng Ilagan; apat (4) sa bayan ng Roxas; dalawa (2) sa Cabagan at tig-isa (1) sa bayan ng Angadanan, Delfin Albano, Maconacon, San Mateo at Cabatuan.

Bukod dito, nakapagtala naman ng labing tatlo (13) na bagong gumaling sa COVID-19 ang Isabela kung saan umaabot na sa 3,687 ang total recovered cases sa probinsya.


Sa kasalukuyan, mayroong 549 na aktibong kaso ang Isabela mula sa 4,308 na total confirmed cases.

Nakapagtala na rin ng 72 na total COVID-19 related deaths ang probinsya.

Mula sa bilang ng aktibong kaso, dalawa (2) rito ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs); labing dalawa (12) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); apatnapu’t anim (46) na Health Worker; apatnapu’t isa (41) na pulis at 445 na Local Transmission.

Facebook Comments