91 Mag-Aaral sa isang Remote Barangay, Hinatiran ng Tulong at Serbisyo ng PNP

Tinatayang nasa 91 ang matagumpay na natulungan ng kapulisan ng Cauayan City Police Station sa pamamagitan ng kanilang isinagawang Community Outreach Program sa barangay Villa Flor dito sa Lungsod ng Cauayan.

Tumanggap ang siyamnaput isang mag-aaral ng Villa Flor Elementary School ng tig’ siyamnapu’t isang (91) papel, kwaderno, envelope at lapis sa tulong na rin ng LGU Cauayan City.

Bahagi rin ng aktibidad ang pamamahagi ng pagkain sa mga bata at isinunod ang pagtatanim ng dalawampung (20) puno ng mahogany sa sementeryo.

Namigay naman ang kapulisan ng dalawang (2) bandeha ng punla ng talong sa mga mamamayan sa nasabing barangay.

Pinangunahan ang aktibidad ni PMaj. Michael S Esteban, Deputy Chief of Police, PMaj. Esem A Galiza, Chief CCAD, PMaj Geriyell Frogoso ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company at ang mga opisyales ng Barangay Villa Flor.

Ikinatuwa at labis naman ang pasasalamat ng mga magulang ng mga batang nahandugan ng mga gamit pang-eskwela.

Layunin ng programa na tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga estudyanteng lubos na nangangailangan ng suporta at pagkalinga at para patibayin ang ugnayan ng kapulisan sa komunidad.

Facebook Comments