91% ng mga LGU, tapos na sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng SAP; mga local officials na bigong makahabol sa deadline, pagpapaliwanagin ng DILG!

Halos 91% na ng mga Local Government Units (LGUs) ang nakatugon sa deadline ng pamamahagi ng emergency cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.

Ayon kay DILG Undersecreatry Jonathan Malaya, katumbas ito ng 1,265 mula sa 1,634 na mga LGU sa buong bansa.

Kabilang sa top 5 performing regions sa pamamahagi ng ayuda ang CARAGA na may 100% payout rate; Bicol Region, 99.96%; SOCCSKSARGEN, 98.92%; Cordillera Administrative Region, 96.8% at Zamboanga Peninsula na may 96.47% payout rate.


Ayon kay Malaya, sisimulan na ng DILG ang paglalabas ng show cause order sa mga LGU na hindi maganda ang performance sa cash aid distribution.

Umapela naman ang mga LGU na hindi pa tapos sa pamamahagi ng ayuda na bigyan pa sila ng sapat na panahon ng DILG.

Pero giit ni Malaya, hindi na palalawigan pang muli ang deadline.

Gayunman, dapat pa rin aniyang ipagpatuloy ng mga local officials ang distribusyon ng cash subsidy hangga’t hindi binabawi ng DSWD ang pondo sa kanila.

Facebook Comments