Mayorya ng mga Pilipino ang sasalubungin ang taong 2021 ng may pag-asa sa kabila ng nararanasang pandemya.
Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey, 91% ng mga Pinoy ang nagsabing sasalubungin ang bagong taon ng may pag-asa.
Mas mababa ito ng limang porsyento kumpara sa 96 percent na naitala noong in 2018.
Nasa pitong porsyento naman ang nagsabing sasalubungin ang 2021 ng may takot, na tatlong porsyentong mataas noong 2019.
Isinagawa ang survey noong Nobyembre 21 hanggang 25 sa 1,500 adult Filipino sa pamamagitan ng face-to-face interview.
Facebook Comments