911 hotline, tatanggap na rin ng tawag na may kinalaman sa Gender-Based Violence at Violence Against Women And Children

Tumatanggap na ang 911 hotline ng mga emergency call na may kinalaman sa Gender-Based Violence (GBV) at Violence Against Women And Children (VAWC).

Ito ay matapos lumagda ng kasunduan ang Department of Justice (DOJ), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa opisyal na pagsisimula ng programa.

Ayon kay Philippine Commission on Women (PCW) Chairperson Sandra Montano, layon nito na mapigilan ang karahasan sa mga kabataan at kababaihan na epektibong gawain din para sa mas madaling pagsusumbong.


Maliban sa mga kababaihan at kabataan, poprotektahan din ng 911 hotline ang LGBT community na kasama rin sa GBV.

Ilan sa mga tawag na kadalasang natatanggap ng 911 hotline ay may kinalaman sa sunog, police cases, medical emergencies, search and rescue assistance at bombing incident.

Facebook Comments