Manila, Philippines – Umaabot pa sa 918 na mga high value targets na sangkot sa iligal na droga ang patuloy na pinaghahanap ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde matapos maitala ang kabuuang 9,866 high value targets hanggang nitong June 30, 2018.
49.2% o 4,858 naman na mga drug personalities na kabilang sa high value targets ay sumuko sa PNP sa pamamagitan ng kanilang Oplan Tokhang na ngayon ay subject sa close monitoring at case review.
Habang dahil sa walang tigil na police operations all accounted o arestado na ang 2,795 o 28.3% na mga high value targets na ngayon ay nahaharap sa kasong kriminal at kaparusahan.
Pinakahuling naaresto ay ang high value target na nag-o-operate sa Laguna at ang Sangguniaang Kabataan Kagawad sa Pasay City na nakuhaan ng baril at 1.8 milyong halaga ng shabu.