Umabot sa ₱3.78 trilyon o 92.3% ng ₱4.10 trilyong national budget para sa 2020 ang naipalabas ng Department of Budget and Management (DBM) hanggang noong Hunyo.
Ayon sa DBM, ang 92.3% na budget na naipalabas noong Enero hanggang Hunyo ay isang improvement kumpara sa 85.5% inilaan sa kaparehong panahon noong 2019.
Paliwanag ng DBM, 79.8% o ₱2.08 trilyon rito ay inilaan sa line departments kabilang ang mga ahensya sa Ehekutibong, Kongreso, Hudikatura at iba pang constitutional offices.
Habang ₱467.9 bilyong appropriation ay inilaan para sa Special Purpose Funds (SPFs).
Facebook Comments