Nasa kabuuang siyam na put dalawang 92 magsasakang Isabelinos ang patungong Yanggu County, South Korea mamayang gabi para sa Seasonal Agricultural Sector Development Exchange Program to South Korea.
Mula sa iba’t ibang bayan ng Isabela ang first batch ng mga farmer-interns gaya ng San Isidro, Roxas, Cauayan, Naguilian, Tumauini, Cabagan, at Ilagan City.
Samantala, mayroon ng 2nd batch ng mga farmer-interns na nakatakdang umalis sa Abril 20, 2022 patungong Gwangju City at Jinan County, South Korea.
Binigyang diin naman ni Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag sinagot lahat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at ng Korean Principal Sponsor ang lahat ng gastusin ng mga farmers sa application mula medical, rt-pcr test sa red cross, at visa application.
Facebook Comments