92 milyong balota, na-imprenta na ng COMELEC para sa paghahanda sa gagawing barangay at SK elections

Isang daang porsyento nang handa ang Commission on Elections (COMELEC) para sa isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30 ngayong taon.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni COMELEC Spokesperson Atty. Johnrex Laudiangco na fully printed na o naimprenta na ang halos 92 milyong mga balota na gagamitin sa eleksyon.

Kabilang na aniya rito ang lahat ng election returns, statement returns pati na ang statement of voters at certificates of proclamation.


Ayon sa opisyal, ang natitira na lamang na kailangang gawin pa ng COMELEC ay ang pag-imprenta ng dagdag na balota sa mga bagong botante na naghabol magparehistro hanggang nitong Enero ng kasalukuyang taon maging ang mga na-reactivate.

1.6 milyon na lamang aniya ito at kayang-kaya nang tapusin sa loob ng tatlong araw.

Isa pa sa kailangan na lamang gawin ay ang deployment at training ng mga guro na magsisilbi bilang miyembro ng electoral boards.

Pero, gagawin aniya ito isa o dalawang buwan bago ang eleksyon.

Facebook Comments