Nasa higit siyamnapung porsyento na o kabuuang porsyento na 92.31% ang mga batang Dagupeño na nabakunahan ng MR-OPV o Measles, Rubella, Oral Polio Vaccine na kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan na Chikiting Ligtas MR-OPV Supplemental Immunization Activity.
Nasa 96% naman ang target ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na mabakunahang mga bata sa syudad.
Alinsunod dito, hinikayat ng alkalde ang mga Barangay Health Workers, Barangay Service Point Officers at iba pang kawani ng iba’t-ibang hanay ng LGU na makipagtulungan sa pamamagitan ng paghahanap ng mga batang hindi pa nabakunahanng nasabing vaccine.
Gayundin ang mga Day Care Teachers na alamin kung ilan pang mga Day Care Students ang hindi pa nakakakuha ng MR-OPV.
Muling ipinaalala na layon nitong maiiwas ang mga batang Dagupeno na may edad apat pababa sa mga sakit na Tigdas, Tigdas Hangin at Polio na maaari nilang makuha kung walang sapat na bakuna laban dito.
Patuloy ding isinusulong ang kampanyang ito sa lungsod bilang bahagi na rin ng pagpapalawig ng serbisyong pangkalusugan para sa bawat Dagupeño sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments