93 COVID-19 Positive sa Region 2, Nakarekober na; 13 New Cases, Naitala

46

Cauayan City, Isabela- Nakatapagtala ng mataas na bilang ng mga bagong gumaling sa sakit na COVID-19 ang Lambak ng Cagayan.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of September 27, 2020, umabot sa 93 na recoveries ang naitala ng Rehiyon dos kung saan lima (5) ang mula sa probinsya ng Cagayan, labing siyam (19) sa Isabela, walo (8) sa Lungsod ng Santiago at pinakamarami sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Kasabay naman ng paggaling ng 93 na COVID-19 positive, naka pag ulat naman ng labing tatlo (13) na panibagong kaso ng COVID-19 ang Lambak ng Cagayan.

Walo (8) ang bagong naitala ng Cagayan, dalawa (2) sa Isabela at tatlo (3) sa Nueva Vizcaya.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 1,669 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa region 2, 537 dito ang active cases, 1,185 ang recoveries, at 27 ang namatay.

Facebook Comments