93 HEIs, pinahintulutang magsagawa ng limited face-to-face classes

Nasa 93 higher education institutions (HEIs) ang inisyuhan ng authority para magsagawa ng limited face-to-face classes.

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), ang kanilang regional offices ay nakatanggap ng 218 intents at 155 applications.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH), Inter-Agency task Force (IATF), local government units (LGUs), ang kanilang regional offices ay nakapagsagawa ng kabuoang 113 onsite inspections sa mga campus at pasilidad.


Ang 93 HEIs na pinayagang magsagawa ng limited face-to-face classes ay mula sa 15 rehiyon sa bansa.

Facebook Comments