
94 na kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa iba’t ibang dibisyon ng ahensiya ang nanumpa bilang mga regular employee ng NBI.
Ang nasabing 94 na kawani ay nagsilbing job order employee ng tanggapan sa mahabang panahon.
Itinuturing itong makasaysayan ng NBI dahil ngayon lang ito nangyare sa ahensiya.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago na nagsilbi rin bilang contractual employee ng NBI ng ilang taon, ang hakbang na ito aniya ay upang masigurong hindi na magre-renew ng kontrata ang mga empleyado kada anim na buwan.
Bukod sa 94 na kawani, 17 naman ang nabigyan ng promotion bilang pagkilala sa kanilang mga kontribusyon sa ahensiya.
Facebook Comments










